BY ALEX CALLEJA
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantaypantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Mahilig ako magpamassage at natigil lang dahil sa pandemic. May mga balita akong magbubukas na ulit ang mga spa kaya baka pumunta ako. At dahil sa pandemic, naniniwala ako na life is short kaya gusto ko makaranas ng extra service o spakol. Paano ko kaya malalaman kung may extra service sa pupuntahan kong spa?
Marty ng Bicutan
Hi Marty,
Gusto mo malaman kung may extra service o spakol ang napuntahan mong spa? Tanungin mo sa reception! Joke lang. Sige sasagutin kita ng seryoso dahil ang sabi mo, life is short. Paano mo malalaman kung spakol ang napasukan mong spa, madali lang! Kapag maganda ang receptionist, mataas ang chance na spakol ‘yun. Kapag ang masahista may itsura at mabango, mataas ang chance na spakol ‘yun! Kapag hindi marunong magmasahe ang babae, siguradong spakol ‘yun! Pero ito ang pinaka-sigurado! Kapag may pumasok na pulis at ni-raid ang spa na napuntahan mo, sigurado, spakol ‘yun!
*
Hi Alex,
Nagpunta ako sa mall at sa entrance pa lang eh kinuhanan na ako ng temperature ng guard. Normal naman ang temperature ko kaya pinapasok ako. Kakain ako sa isang restaurant sa loob ng mall at may waiter dun na kukuhanan din ako ng temperature. Medyo nainis ako! Bakit ba kinuhanan na ako ng temperature sa entrance eh kailangan kukuhan pa ulit ako dun sa restaurant Kuya Alex?
Melody ng Novaliches