By ROWENA AGILADA
Naka-leave pala si Sarah Geronimo sa “ASAP Natin ‘To” kaya no show siya sa pilot airing nito sa TV5.
Ayon sa isang source, gusto munang mag-focus ni Sarah sa pagiging housewife at pagiging homemaker.
Inakala ng ilang netizens na baka raw kaya wala si Sarah sa “ASAP Natin ‘To” ay dahil sinuportahan niya ang asawang si Matteo Guidicelli na nakisimpatiya kay Mr. Johnny Manahan.
May tsika pang diumano, dahil sa talent fee, kaya no show si Sarah sa “ASAP Natin ‘To.”
Fake news pala ang mga ‘yun.
Ayon sa source, never aalis si Sarah sa naturang Sunday show.
At hindi siya tinanggal. “Nakabakasyon” lang.
So, there!
Namigay
Sobrang pinasaya ni Ivana Alawi ang walong delivery riders mula sa iba’t ibang apps na tinawagan niya. Binigyan niya ang mga ito ng tig-isang helmet plus P10,000 each.
Aniya, ito ay pagbigay pugay niya sa pagiging hardworkers ng mga ito sa gitna ng pandemic.
“It’s my way of giving back and it makes me happy,” diin niya.
Aamin na?
Uy! Mukhang malapit nang umamin si Bea Alonzo sa relasyon nila ni Dominic Roque.
Sa kanyang vlog, tinanong siya ni Enchong Dee kung sino ang huling taong tinawagan niya.
“Nic,” ani Bea.
Tanong ni Enchong, “Sino si Nic?”
Later ay inamin ni Bea na si Dominic Roque ang tinutukoy niya.
Kasunod na kaya nito ang pag-amin na sila na nga?