Ayaw patulan ni Ivana Alawi ang isyung diumano’y sinabi niyang hindi niya type sina Derek Ramsay at Gerald Anderson dahil raw mukhang mga dugyot at mabaho ang mga ito.
Aniya sa kanyang vlog, ayaw niyang idepensa ang kanyang sarili sa kasinungalingan. Alam daw ng mga fans at mga taong nagmamahal sa kanya na hindi siya gano’ng klaseng tao.
Hindi raw siya mapanglait.
Boto kaya?
Dedma rin si Andrea Torres sa tila pagkakamabutihan ng magkapitbahay na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Ito nga at madalas makita ang dalawang magkasama at very sweet pa!
Puring-puri si Andrea ng mommy ni Derek noong sila pa.
Ano kaya ang masasabi nito kay Ellen? Boto rin kaya siya na maging girlfriend ni Derek si Ellen kung sakali?
Maraming mga netizens ang natutuwa sa landiang Derek at Ellen.
Anila, bagay ang dalawa dahil pareho daw itong “mapaglaro” sa pag-ibig.