Asar-talo si Jasmine Curtis-Smith nang mapasakamay niya ang pirated copy ng kapapalabas na movie nila ni Glaiza de Castro na “Midnight in Perfect World.”
Nalulungkot si Jasmine dahil hindi pa rin matugunan ng pamahalaan ang problema sa pirata noon pa mang uso pa ang pelikula sa sinehan at hanggang ngayon online.
Sey niya sa interview niya sa gmanetwork.com, “It is really sad and I really hope we get a point wherein film piracy and any other media for that matter, may it be a digital series on YouTube or any video on demand streaming platform, sana maging kasing strict sila sa other countries one day.”
Samantala, na-pirata rin ang “Anak ng Macho Dancer” nang magkaroon ito ng streaming last Jan. 30.
Galit na galit ang producer na si Joed Serrano na handang gastusan ang paghuli sa pirata para makulong.
Nakasabay!
Ang galing ni Mikael Daez.
Nakipagsabayan ito sa aktingan kay Coney Reyes sa nakaraang confrontation scene nila sa Kapuso series na “Love of My Life.”
Eh hindi naman nakilala si Mikael bilang dramatic actor pero sa eksenang ‘yon, puwede na siyang isabak sa matitinding dramahan. Of course, isa sa rason kung bakit pinanonood ang “LOML” dahil kay Coney na damang-dama mo ang bawat eksena at lalamunin ka talaga nang buung-buo kapag kaeksena mo siya at babanu-bano ka, huh!