By MELL NAVARRO
Nakakatuwa ang dating Streetboys dancer at aktor na si Danilo
Barrios.
Hindi ito nakakalimot sa mga nangangailangan.
Marunong mag-share ng kanyang blessings si Danilo Barrios,
kaya blessed siya at ang kanyang pamilya.
Nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon, hindi nakalimot si
Danilo at ang kanyang pamilya na magbigay ng tulong via
donation drive sa Tarlac, ang kanilang hometown.
Siya mismo ang nag-abot ng mga ayuda sa mga kababayan niya,
lalo na ang mga Aeta.
Sa mga nasalanta naman ng Ulysses typhoon sa Cagayan, nagpadala si Danilo ng ilan niyang staff doon para magbigay ng
ayuda.
Iilan na nga lang sa ating mga celebrities ang nakakaalalang tumulong sa anumang paraang makakaya nila, tulad ng pamilya
ni Danilo.
“Sharing is caring” ay part ng advocacy ng kanilang Tatio Pharma
beauty ang wellness products – sa panahong ito ng
pagtutulungan, dulot ng Covid19 pandemic.
‘Yearly naman ay merong share na blessing ang company namin
sa mga kababayan natin,” sabi ni Danilo. “Pero last year Dec. 10
to 14, we made sure na talagang ibuhos ang tulong sa ating
kababayan sa Isabela and Cagayan Valley.
“Lahat ng family namin and staff ay nagtulong-tulong magbalot
ng relief goods at nakabuo kami ng 10,000 relief goods para
ibahagi sa ating mga kababayan doon.
“Napakasarap sa pakiramdam ang maiabot ang tulong sa kanila
lalo na sa mga bata,” dagdag ng guwapo pa ring aktor na ama na
ng tatlong cute na chikiting.
Umabot na sa 12 years ang kanilang negosyo na may brands na Tatio Active Dx, Hugo Online Shoppe, Ysa Beauty, and My Precious One.
Nag-celebrate sila ng kanilang 12th anniversary via Facebook last
December.
Kumusta ang negosyo nila ngayong pandemya?
“God is good,” sagot ni Danilo. “Kasi lalong lumakas ‘yung business. Tumaas po ang sales namin, mas tumaas ang demand
ng tao.”
May 5,000 new resellers pa sila.
“Nakakatuwang i-share kasi alam naming kumikita rin sila gaya
naming,” sey ni Danilo.
“Kasi, ngayong panahon ng Covid, ang hanap ng tao, pampalakas
ng Immune system eh ‘yun po ang priority ng brands namin noon pa.”