BY RUEL J. MENDOZA ELLEN DeGeneres (IG) Naging malaking tulong sa RC Cola Philippines ang pag-feature ni Ellen DeGeneres ng kanilang kakaibang TV ad sa talkshow nito kamakailan. Umakyat sa 51 million views with 366,000 shares sa iba’t ibang social media platforms ang kanilang TV ad since ma-feature ito sa show ni Ellen. Na-feature ang RC Cola ad sa game segment ng show ni Ellen na “Ellen and Twitch Guess What’s Going to Happen Next in This Crazy Commercial.” Pinagdebatehan nila sa segment kung gaano ka-weird ang naturang TV ad ng RC Cola. Ang reaction ni Ellen sa TV ad ay umani ng 400,000 views in just four days, taking the Top 18 spot on YouTube PH trends. Laking tulong daw ito sa sales ng RC Cola sa bansa na tumaas ng 67 percent since the pandemic last year.