May bagong guy na nagpapasaya ng puso niya matapos silang mag-break ni Mark Herras three years ago.
Hindi lang ini-reveal ni Winwyn though kung sino ang love of her life ngayon.
Happy rin siya for Mark and Nicole Donesa na kapapanganak lang sa love child nilang si Mark Fernando, Corky for short.
Sa isang interbyu, sinabi ni Winwyn na hindi pa sila nagkikita ni Mark since they broke up. If by chance ay magkita sila, babatiin niya raw ito. Willing din si Winwyn makatrabaho muli ang kanyang ex-boyfriend.
Hanggang ngayon, silang dalawa lang ang nakakaalam ng dahilan ng kanilang hiwalayan.
Mukhang hindi bad break-up ang nangyari sa kanila dahil hindi naman naging bitter si Winwyn. Tama kaya kami?
Payag makatrabaho
Willing si Janine Gutierrez makatrabaho muli ang ex-boyfriend niyang si Elmo Magalona ngayong parehas na silang Kapamilya.
Ani Janine, bahala na ang Dreamscape Productions kung sino ang ipapareha sa kanya sa mga upcoming projects niya.
Past is past at parehas na silang naka-move-on ni Elmo. Parehas na rin silang “taken.” Si Janine, may Rayver Cruz na, samantalang may non-showbiz girlfriend si Elmo.
E, si Janela Salvador kaya na ex-GF din ni Elmo, willing ba siyang makatrabaho muli ang ex-BF?
Bad break up ang nangyari sa kanila na may physical na sakitan.
Pero taken na rin si Janela ni Markus Paterson at may isang anak na sila, si Baby Jude.