Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantaypantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Implemented na po ba ang child car seat law. May sasakyan ho kasi kami pero wala kaming child car seat. Hindi po namin kayang bumili. May 12-years old po kaming anak at medyo matangkad siya (nasa 5’11” siya). Kailangan ba namin siyang paupuin sa child car seat kahit uuntog ang ulo niya dahil naka Toyota Wigo lang kami. Paano kami aalis kung walang child car seat?
Solenn ng Makati
Hi Solenn,
Ang obvious na sagot eh hindi mo kailangan lagyan ng car seat ang kotse ninyo dahil kasi 12 years-old ang anak mo eh hindi siya kakasya at mukhang mas lalong delikado. Ang isa namang hindi mo nakita eh hindi naman talaga kayo makakalabas ng bahay dahil minor ang anak mo at bawal pa lumabas! Hintayin mo mag-13 ang anak mo para wala ka ng problema!
*
Hi Alex,
Gusto ko lang po malaman kung kelan pag-aaralan ng Congress na dagdagan ang mga gulay sa kantang bahay-kubo. Medyo kulang-kulang kasi at nakakaawa ang ibang gulay na hindi sinama sa kanta. Kapag kasi wala sa kanta eh hindi sila nabibili sa mga palengke at supermarket dahil sa nakakalimutan sila. Paano po ba makakarating sa kinauukulan itong sulat ko?
Prado ng Alaminos
Hi Prado,
Sa sulat mo parang gusto mo itong makarating sa kinauukulan? So parang inuutusan mo pa ako hanapin ang taong mag-aasikaso nito? Saka alam mo, ‘yang naisip mo, kung nagbibiro ka, baka seryosohin ‘yan ng mga kinauukulan! Madaming mga gustong gawin ngayon na halos ganyan tulad ng pagpapalit sa MMFF o Metro Manila Film Festival at gagawin na lang Philippine Film Festival. O kaya pagdagdag ng isang sinag sa araw na nasa bandila at gawing siyam na ito. Kaya maghintay ka lang at baka ‘yan na ang isunod.
*
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]. facebook/ twitter/instagram: alexcalleja1007