Na-enjoy ni Ina Feleo ang lock-in taping dahil nagkakaroon daw ng disiplina ang lahat nang involve sa production, kasama na raw pati silang mga artista.
Isa sa mga nakitang pagbabago ni Ina ay ang pagkakaroon ng curfew sa set kung saan mas maayos ang kanilang pagtulog,hindi tulad noon na inaabot daw sila ng pagputok ng araw.
“Nagustuhan ko rin yung setup na 12 hours a day taping so alam mo na meron kang proper time to rest, get ready for the next day,” sey ni Ina na na-lockin taping sa teleserye na
“Bilangin Ang Bituin Sa Langit” ng GMA-7.
Ang 10 weeks na script daw ay natapos nila in just three weeks.
“It was very light for me kahit na sobra ko ring physically pagod, emotionally pagod kasi nga intense. Pero at the same time, since maganda yung disposition ng mga tao.
“I think also because of the new rules and protocols, na nakaka- rest talaga yung mga tao. I think malaking bagay talaga if you give good rest, good accommodation, every body’s refreshed araw-araw.”