Ilang tulog na lang at Valentine’s Day na. Inaabangan ng netizens kung itataon ba nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang pag-amin sa kanilang relasyon sa Araw ng mga Puso.
Never pa nilang nililinaw ang estado ng kanilang relasyon bagama’t madalas silang makitang magkasama sa iba’t ibang lakad.
Recently, spotted silang magkasamang nagbakasyon sa Amanpulo na ika ng iba parang advanced celebration na nila ng Love Day.
May tsika pang diumano, umarkila pa si Bea ng chopper na sinakyan nila papuntang Amanpulo. How true kaya na siya pa ang nagbayad? Baka naman share sila ni Dominic.
Inaabangan din
Isa pang inaabangan ng mga netizens ay ang pag-amin nina Gerald Anderson at Julia Barretto. Sa Valentine’s Day din kaya?
By the way, biglang kambiyo si Dennis Padilla sa pahayag niya noon na nanliligaw si Gerald sa anak niyang si Julia. Inamin daw ito ni Gerald noong minsang nagkausap sila sa telepono.
Kamakailan biglang bawi si Dennis. Aniya, wala siyang alam sa love life ng anak. Hindi raw siya nakikialam dito.
Ayaw
Promise ni Aiko Melendez, hindi siya magiging stage mother sa anak niyang si Andre Yllana ngayong pinasok na rin nito ang showbiz. Pumirma na ang kanyang 22-year old son ng kontrata sa Viva Artist Management Company.
May blessing din kaya ni Jomari Yllana ang pagpasok ng anak nila ni Aiko sa showbiz? O, si Aiko lang at si Andre ang nag-desisyon?