Inalala ng magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz ang kanilang yumaong inang si Melody Beth Cruz sa second death anniversary nito noong Feb. 2.
Pumanaw si Beth dahil sa sakit na stage 4 pancreatic cancer.
Nag-post si Rodjun sa kanyang Instagram ng photo nila ni Rayver at nakakatandang kapatid na si Omar Cruz at uncle nilang si Jefferey Cruz sa sementeryo.
“2nd year in Heaven! Not a day goes by that I dont think of you! I miss you every day! Sobrang mahal na mahal kita my beautiful Mama! You are the best Mom in the whole world! Celebrating your eternal life and happiness with our Lord Jesus Christ,”caption ni Rodjun.
Hindi raw naabutan na ng anak ni Rodjun na si Joaquin ang kanyang lola. Kaya sa pamamagitan na lang ng litrato at videos pinapakiala ni Rodjun sa kanyang anak ang kanyang “mamita.”