Hindi nagustuhan ng mga pro-Digong Duterte ang pahayag ni Agot Isidro kaugnay sa pag-ere ng programang “Byaheng DO30” ng GMA.
Ayon kay Agot, “disappointing” daw ang pag-ere ng GMA nito.
Pero ano nga ba ang “Byaheng D030?”
Para sa kaalaman ni Agot, ang “Byaheng DO30” ay isang magazine show na napapanood sa GMA Regional TV channels sa Mindanao.
Una ito umere sa GMA Davao noon pang 2016 na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang host.
Tumanggap ang show ng Anak TV Seal. Nakatanggap din ito ng Special Citation merit sa 42nd Catholic Mass Media Awards sa Best News Magazine Program category.
Naku Agot, huwag idawit ang GMA Network sa pulitika, huh!
Hindi sumisipsip ang Kapuso Network kay Inday Sara kahit na may usap na tatakbo ito bilang Presidente sa taong 2022, huh!
Umeere na ang “Byaheng DO30” bago pa mang umugong ang pagtakbo ni Sara sa next presidential elections!