Itinanggi na ni Willie Revillame na magiging co-host niya si Maja Salvador sa “Tutok to Win (Wowowin).”
Ani Revillame sa text message niya kay Ricky Lo, hindi niya kailangan ng co-host sa show.
Naku, huh!
Itanggi rin kaya ng GMA-7 na kasama si Maja sa cast ng “I Left My Heart in Sorsogon” na pagbibidahan nina Heart Evangelista at Richard Yap?
May lumabas na pictorial na magkasama sina Heart at Maja. Parehas sosyalin ang kanilang outfit. Naka-black crop top si Heart, trench coat, designer leggings at high-heeled boots.
Naka-white polka dots long dress with thigh-high slit at knee-high heeled boots naman si Maja.
Sa socmed post ni Maja, sobrang nag-enjoy siya sa collaboration nila ni Heart na tinawag niyang “Ganda.”
Post naman ni Heart, abangan sa YouTube vlog ni Maja ang pagkikita nila.
Banned?
How true naman kaya ang tsika na diumano, banned si Maja sa ABS-CBN? Hindi na raw siya puwedeng bumalik sa Kapamilya Network dahil tinanggihan niya ang teleseryeng pagsasamahan sana nila ni Richard Gutierrez. Sumama kasi si Maja kay Johnny Manahan sa TV5 para sa “Sunday Noontime Live” na sa malas e natsugi na.
Mga pampasuwerte
Feb. 12 ang Chinese New Year at bilang half-Chinese, naniniwala si Kim Chiu sa mga Chinese lucky charms, mga ritwal, pampasuwerte sa lovelife at bahay.
Payo ni Kim sa mga gustong magka-lovelife, magsuot ng bagong red underwear sa Chinese New Year. Effective raw ito dahil ginawa na niya. Ginawa rin daw ito ng friends niya na nagka-lovelife rin.
Huwag daw maglinis ng bahay sa Chinese New Year for the next three days para hindi mawala ang suwerte.
Ayon pa kay Kim, ang mga pagkaing dapat ilagay sa hapag-kainan ay tikoy for harmony, pancit for long life, steamed fish at shrimp for abundance, mga bilugang prutas for money at mga berdeng gulay.