Kilig-kiligan pa rin si Vina Morales kay Robin Padilla.
‘Yan ang sabi niya kay Aiko Melendez sa YouTube vlog nito at aniya, hindi nawawala ang kilig sa kanya dahil naging bahagi ng buhay niya si Robin.
Everytime nakikita niya si Robin ay kinikilig siya. Hanggang doon lang ‘yun dahil alam niyang happily married ito kay Mariel Rodriguez.
Kinikilig din si Vina kay Keempe de Leon na ex-boyfriend din niya. Kinikilig siya kapag nakikita niya si Keempee, lalo pa’t tinutukso pa rin sila ng mga kaibigan nila.
“But nothing more than that,” ani Vina.
May non-showbiz guy na nagpapakilig sa kanya ngayon.
Tahimik lang muna si Vina dahil wala pa naman kasiguruhan kung meant sila for each other.
Handa na siyang magpakasal. Pero ani Vina, ayaw niyang umasa. Kung hindi para sa kanya, wala siyang magagawa.
Sa tanong ni Aiko kung jojowain o totropahin ba niya si Senator Migz Zubiri (another ex-BF ni Vina), aniya, totropahin na lang niya ito ngayon.
Kung single pa ito, jojowain niya, sey ni Vina.
Matigas ulo
Walang Valentine date si Ruffa Gutierrez dahil break na sila ng French-Israeli boyfriend niyang si Jordan Mouyal.
Six years sila together na aniya sa isang interbyu, para siyang nabunutan ng tinik. Walang sinabi si Ruffa kung ano’ng dahilan ng break-up nila.
Sobrang happy naman ang kanyang Mommy Annabelle Rama. Ever since ay super hate niya si Jordan. Matigas daw kasi ang ulo ni Ruffa at ayaw makinig sa kanya, kaya wala itong matinong love life.
Mother knows best talaga, kaya siguro naman, next time ay makikinig na si Ruffa at susundin na niya ang kanyang mommy.