Sa TV5 pa rin pala mapapanood si Maja Salvador taliwas sa tsikang lumipat na ito sa GMA7.
May gagawin siyang sitcom sa Kapatid Network with Empoy Marquez.
Umugong ang balitang lilipat si Maja sa Kapuso Network at natsika pa ngang kasama siya sa “I Left my Heart in Sorsogon” na tatampukan nina Heart Evangelista at Richard Yap.
Yun pala, sa TV5 siya gagawa ng teleserye.
Freelance-artist naman si Maja kaya puwede siyang lumabas sa kahit anong network na mag-o-offer sa kanya ng trabaho.
Kung true na kinukuha siya ng GMA7, magiging asset siya ng network dahil may talent siya. Hindi lang siya pretty face.
Tinanggihan
Wow! Bongga talaga si Heart Evangelista. Imagine, tumataginting na P8-million ang tinanggihan niya?
Kinukuha siyang endorser ng isang brand ng kotse, pero pinakawalan niya.
Ani Heart, hindi siya marunong mag-drive, kaya tumanggi siya.
Naniniwala kasi siya sa “truth in advertising” at ayaw niyang lokohin ang kanyang sarili at ang madlang pipol.
Ang dami na nga raw niyang tinanggihang endorsements dahil hindi niya ginagamit ang mga produktong iniaalok sa kanya.
Gamitan?
Hindi matanggap ng ilang fans ni Bea Alonzo na maging boyfriend (boyfriend na nga ba?) niya si Dominic Roque.
Sobrang panlalait ang natatanggap ni Dominic. Kesyo, ginagamit lang daw niya si Bea para mapag-usapan siya.
Kesyo, hindi sila bagay dahil mas sikat at may career si Bea. May mga nagsasabi namang diumano, naggagamitan lang sina Bea at Dominic. May ganu’n?