Nakaka-good vibes panoorin ang video nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang mga anak nilang sina Zia at Ziggy. Happy family talaga sila.
Tuwang-tuwa si Zia sa pagsasayaw ng kanyang Papa at Mama. Binuhat pa ni Dingdong si Marian na kilig-kiligan naman.
Sa isang bahagi ng video ay pasan ni Marian si Ziggy, pasan naman ni Dingdong si Zia. Paikot-ikot sila na parang naglalaro.
Ipinagluto pa ni Marian ng mga paboritong pagkain ang kanyang mag-aama na pinagsaluhan nila noong Valentine’s Day. May décor pang heart shaped red balloons.
Ideal couple sina Dingdong at Marian. Sey ni Marian sa isang interbyu, hindi sila nag-aaway ni Dingdong. Mas lalo siyang nai-in love sa kanyang husband.
Masundan na kaya?
Mukhang magiging chef din si Luna Agoncillo tulad ng kanyang Mommy Judy Ann Santos-Agoncillo. Bata pa’y mahilig nang magluto si Luna.
Sa kinunang video ng kanyang Daddy Ryan Agoncillo, ipinakitang nagluto ng pancake si Luna. Siya mismo ang nag-prepare ng ingredients.
Siya rin ang nagbukas ng kalan. Parang sanay na sanay na si Luna humawak ng kawali at spatula. Ang galing na bata.
Last Valentine’s Day, sinorpresa ng magkakapatid na Yohan, Lucho at Luna ang kanilang Daddy at Mommy. Nag-set sila ng romantic dinner para sa mga ito. Si Lucho ang nagluto ng steak, dessert naman si Yohan.
Nagtatanong ang netizens kung masusundan na raw ba si Luna? Parang may pahiwatig daw kasi si Juday sa socmed post niya noong Valentine’s Day na magkayakap silang nakahiga ni Ryan sa kama na ani Juday, ready na sila matulog ng mahimbing.
“Tulog lang, ha?” kantiyaw ng isang netizen.
“Baka magkaroon ng baby no. 4?” tanong naman ng isa pang netizen.