Feeling loving and caring daddy si Derek Ramsay kay Elias Modesto, anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.
Nag-trending sa social media ang larawan nina Derek at Ellen, kasama ang ilang malalapit nilang kaibigan na nakasakay sila sa isang yate.
Karga ni Derek si Elias habang natutulog ang bagets.
Magkakatabi silang tatlo na parang happy family.
Sa isang photo naman ay magkakasama rin sila sa isang kotse.
Mukhang komportable na si Elias kay Derek.
Just curious, ano kayang tawag ng bagets kay Derek?
Sa isang vlog ni Ellen, ang alam ni Elias ay Piolo ang pangalan ng kanyang papa.
Ano naman kaya ang pakilala ni Ellen kay Derek?
Napapadalas ang pagsasama nina Derek at Ellen na bitbit pa nito ang anak.
Friends in love or friends with benefits na kaya ang estado ng kanilang relasyon?
Mareklamo
Sa vlog ni Carmina Villarroel, ibinuking ng mommy Hershey ni Zoren Legaspi na sa apat niyang anak na all boys (Brando, Kier, Zoren at Jupiter), si Zoren ang mareklamo, pasaway, malakas ang boses.
Manang-mana daw ito sa yumaong ama na si Lito Legaspi.
Istrikto rin daw si Zoren na sinang-ayunan ni Carmina dahil gano’n daw si Zoren sa mga anak nilang sina Mavy at Cassy.
Bumawi naman si Mommy Hershey na si Zoren ang pinaka-thoughtful at generous sa mga anak.
Hindi rin daw ito nagmana sa daddy nito na chickboy noong kabataan nito.
Gusto na magkaanak
Parehas nagpahiwatig sina Gerald Anderson at Julia Barretto na gusto na nilang magkaanak pero sa magkahiwalay na panayam.
Ang sabi ni Julia gusto niya ng maraming anak.
Si Gerald naman ay nagsabing soon ay gusto na niyang magkaanak.
Ang pag-aasawa ang next chapter na pinaghahandaan niya sa buhay.