BY JUN NARDO
Nagbunga nang bonggang-bongga ang pagiging mabagsik ni Aiko Melendez sa katatapos na Kapuso afternoon drama na “Prima Donnas,” pati na rin ang husay ng performance ng buong cast.
Nagtala ang show ng pinakamataas na rating sa lahat ng panghapong programa sa Philippine television last Feb. 11 with an average of 14.2%.
Ayon pa sa NUTAM data, nasa Top 8 din ang show sa Top 10 Most Watched Afternoon Drama shows sa bansa.
