Kapwa naranasan na ng dalawang Kapuso stars na sina Kate Valdez at Migo Adecer ang ma-stalk sa totoong buhay.
Kuwento ni Kate, alam daw ng stalker niya ang day-to-day activities niya. Ipinapaalam pa raw ng stalker na kung nasaan siya ay nandun din daw ito.
“Naaalala ko na may messages itong stalker na parang alam niya ‘yung situation ko bilang artista at sa personal life ko.
“Nakakatakot dahil hindi ko alam kung paano at saan niya nakukuha ‘yung mga information na alam niya.
“For me, be aware lang at ‘wag matakot na ipaalam ito sa authority for your safety.”
Si Migo naman ay na-prepare na ang sarili sakaling magkaroon siya ng stalker.
“I’m sure every actor/actress has had one in this lifetime and usually they’re harmless, but there have been some where I had to rough them up a bit to get the message across.”