Walang diretsang sagot si Jodi Sta. Maria sa mga patutsada ni Claudine Barretto, pero makahulugan ang mga socmed post niya lately.
Ayon sa ilang netizens, patama daw ‘yun ni Jodi kay Claudine.
May makahulugan ding socmed post ukol sa pagiging masaya si Raymart Santiago na ni-like ni Marjorie Barretto.
Sey ng netizens, simpleng pagkampi raw ni Marjorie kay Raymart ang pag-like niya sa post ng ex-brother-in-law.
What about Gretchen Barretto na kampi naman kay Claudine? Bakit tahimik siya?
First b-day
Dahil sa pandemic, simple celebration lang ang first birthday ni Dahlia Amelie, anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff.
March 2 ang birthday ni Dahlia at sa bahay lang nila ang celebration. Ang pinsang si Thylane, anak nina Solenn Heussaff at Niko Bolzico ang nag-iisang batang bisita ni Dahlia.
Isang mini-house ang regalo nina Anne at Erwan sa anak nila.
Ang tapang!
Grabe ang tapang at lakas ng loob ni Judy Ann Santos. Nag-out-of-town sila ng asawang si Ryan Agoncillo kasama ang mag-asawang kaibigang sina Paolo Abrera at Suzi Entrata.
Nagpunta sila sa KDR Adventure Camp kung saan nag-motor bike si Juday sa ere. Parang hanging bridge ‘yun na buong tapang na dinaanan ni Juday.
Aniya sa socmed post niya, sumakit ang katawan niya paggising niya kinabukasan. Pero sulit naman dahil sa kakaibang experience niyang ‘yun.
Dedma
Clean-cut look ngayon si John Lloyd Cruz. Nagpagupit na siya ng buhok. “Choose to be happy” ang socmed post niya.
Dedma lang si JLC sa romansang Derek Ramsay at Ellen Adarna. Busy siya sa ginagawang comeback movie.