Bukas na bukas na nga sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ukol sa kanilang relasyon.
Ito nga at bonggang-bongga nilang ibinahagi sa mundo kung paano naganap ang kanilang unang halik.
Nangyari ito sa interview nila with RX 93.1 ngayong Huwebes.
Ani ni Ellen siya ang unang gumawa ng hakbang para maglapat ang kanilang mga labi dahil “torpe” raw itong si Derek.
“I thought he was an asshole before or manyakis. But he’s very respectful and very sweet,” ani Ellen.
“Mukha lang siyang f*c*boy, pero hindi!”
Naganap ang halikan ng minsang ihatid siya ni Derek sa kaniyang bahay.
“I really wanted to kiss him, and then I didn’t know how to kiss him,” kwento ni Ellen.
Ang siste, binigla niya na lang si Derek.
Palpak daw ito dahil nagkabangaan ang kanilang mga ngipin!
Ani Derek, “You’re supposed to kiss with your lips. I had a very good encounter with her teeth. I was, like, ‘What? Yun na ‘yon?!'”
Pero awkward man at lahat, sa kiss daw na iyon nakasiguro si Derek sa feelings niya kay Ellen.
“When we had our first first kiss, yeah, I knew,” Diin niya.
Sa same interview umain ang dalawa na Feb. 4 ang eksaktong petsa na naging sila.
Mula daw noon e halos araw-araw na silang magkasama at kung ano-ano na ang alam nila sa isa’t isa.
Ani Ellen, 40 minutes daw kung mag-shower si Derek.
Sa loob ng panahong halos araw-araw silang magkasama at nakakabiyahe sa kanilang quick out-of-town trips ay ipinakita raw talaga nila kung ano ang ugali ng isa’t isa.
Alam na rin daw nila kung gaano katagal sa shower ang isa’t isa.
Depensa ni Derek, “It’s not only shower. I do my push-ups before I shower.”
Naikwento ng dalawa pati gano katagal ang isa’t –isa magbawas!
Ani Derek, dalawang oras daw halos magbawas itong si Ellen.
Iminuwestra pa ni Derek na nakapatong ang mga paa ni Ellen sa toilet seat kapag nagbabawas.
Giit ni Ellen, “I’m like that because I can do it effortlessly. Inggit ka lang. Because I’m very flexible!”
Ganunpaman, hangang-hanga si Derek kay Ellen.
Gandang-ganda raw siya rito at madalas niyang mahuli ang sarili na nakatitig sa kanya.
Bilib din siya rito bilang ina.
Kaya nga daw malamang sa malaman si Ellen na ang “The One.”