Totoo kayang kasal na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola? May lumabas na wedding video nila sa YouTube na diumano, noong Feb 21 pa sila ikinasal sa The Farm, San Benito, Batangas.
Naka-pink suit si Luis at naka-white bridal gown si Jessy.
Napaligiran ng pink and white roses ang venue.
Sina Senator Ralph Recto at Congresswoman Vilma Santos-Recto lang ang nakita namin sa video.
Walang bridal entourage.
Baka raw sa vlog ni Jessy ipakita ang buong kaganapan sa diumano’y kasal nina Luis at Jessy.
Well, abang-abang na lang.
Single pa rin
Isang bachelorette bridal party ang inihanda ni KC Concepcion para sa isang non-showbiz friend niya.
Sa El Nido, Palawan ‘yun at may mga kasama pa silang ibang non-showbiz friends.
Nag-island hopping sila at may pa-games pa si KC na ini-enjoy ng kanilang grupo.
Months ago, may ikinasal ding friend si KC. Isa-isa nang nag-aasawa ang mga kaibigan niya. Kailan naman kaya siya susunod?
Pinagtawanan
Pinagtawanan lang ng kampo ni Bea Alonzo ang pahayag ni Gerald Anderson tungkol sa kanilang break-up. Anila, pinalabas pa ni Gerald na hindi naging mabuting girlfriend si Bea.
Mas dumami ang haters ni Gerald at mas marami ang nakisimpatiya kay Bea. May mga nagpayong huwag na siyang sumagot sa mga pahayag ng kanyang ex-boyfriend. Bandang huli’y mangingibabaw pa rin ang katotohanan.
Bday girl
Hindi namin nakita sa video si Claudine Barretto sa 51st birthday celebration ni Gretchen Barretto last March 6.
Mga sosyal na non-showbiz friends niya ang present.
Ang daming cakes at sa halip na hipan ni Gretchen ang birthday candles, pinaypayan niya ng hawak na papel. Gano’n daw ang mga sosyal. Iwas-talsik laway.