Hindi lang acting ang pinapamalas ng Kapuso hunk na si Paul Salas sa GTV teleserye na The Lost Recipe. Siya rin ang umawit ng theme song ng teleserye na “Tama Ba o May Tama Na.”
Kasama sa original soundtrack ng teleserye ang inawit ni Paul na produced ng Playlist Originals at available na for download sa iba’t ibang digital platforms worldwide.
Si Paul ang gumaganap na Frank, ang rival ni Harvey (Kelvin Miranda) sa puso ni Apple (Mikee Quintos).
Happy si Paul dahil napapakita niya ang ibang talents niya bukod sa pag-arte. Isa kasi sa hilig ni Paul ay ang kumanta at thankful siya sa opportunity na binigay sa kanya ng GMA-7.