Kasalukuyang ipinapalabas ang pelikulang “Tililing” ng Viva Films sa sarili nitong Vivamax streaming platform, pero bago pa man ito ipalabas sa publiko, naging kontrobersiyal na ang titulo at poster ng pelikula.
Bida sa pelikula sina Baron Geisler, Gina Pareño, Candy Pangilinan, Yumi Lacsamana, Donnalyn Bartolome, at Chad Kinis, written and directed by the equally controversial Darryl Yap.
Paano ba hina-handle ni Direk Darryl ang mga kontrobersiya o batikos ng kanyang critics o “bashers” pagdating sa kanyang mga pelikula, particular na dito sa “Tililing”?
“I don’t really handle haters or critics, as some people claim they are,” aniya. “Napaka-gasgas na to say, ‘Even bad publicity is still publicity.’ Good or bad, it still helps promote the movie. I look at it more as a blessing.
“How do you handle blessing? I just share them. Every item that’s being thrown at ‘Tililing,’ I share them on my page. The controversy comes maybe from me, but more from the people.”
Ipinaliwanag ng baguhang director na naglalayon ang kanyang pelikulang i-tackle ang usapin ng mental health.
“Ang pelikulang ito ay para sa dating depressed, ‘yung mga depressed pa rin or nade-depressed. ‘Yung mga dumaan sa chemical abuses o pang-huhusga ng lipunan. Isa itong testament na pantay-pantay tayong lahat hindi lang sa social status na may mayaman o mahirap na konteksto, kung hindi sa mga pinagdadaanan.
“Ang lahat ng tao ay naiiwan kung saan sila dumadaan, ngunit may mga mabubuting tao na umaalalay sa kanila. Kumakarga at humihila palabas kung saan man sila nagdaraan ngayon.
“Ang problema ng isa, maaring hindi mo problema, pero kanya-kanya tayo kung paano magkaroon ng problema. ‘Yan ang gustong talakayin ng ‘Tililing.’”
Aminado rin si Direk na may sarili siyang ‘’kabaliwan’’ sa katawan – bagay na ipinagpapasalamat niya, dahil dito siya tinanggap ng kanyang loyal followers and supporters.
“Ang pelikulang ito ay naka-connect sa aking pagkatao dahil ako po ay isang baliw in it’s very essence,” say ni Direk Darryl.
“Naniniwala ako na ang bawat isa sa atin ay may kabaliwan, subalit may mga kapatid tayo at kapwa na hindi na nakaka-recover mula dito. Ang pelikulang ito ay isang patunay na ang lahat ng tao ay may pinagdadaanan.”
Sa yaman ng utak ng millennial filmmaker, makakaasa pa tayo ng mas marami pang bago at out-of-the-box film concepts from him.