BY JUN NARDO
Tila may kumpitensya pagdating sa mga kapareha sa screen ang former couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Sa Kapuso series ni Gabby na “First Yaya,” kapareha niya ang batambata at seksing si Sanya Lopez.
Ang young hunk na si Marco Gumabao naman ang leading man ni Shawie sa Viva movie niyang “Revirginized.”

Sa Instagram pictures na pinost ng Megastar, may litrato silang magkasama ni Marco at katabi nito ang litrato ni Gabby with Sanya. Caption ni Sharon sa pictures:
“And you, Kristina’s Papi! Kala mo ikaw lang ang may batang partner ha?! Game ka na ba?!
“Ako walang kaproble-problema. You na lang ang hinihintay ng bansa!”
Ang huling kataga at tila pahaging ni Mega sa kanilang balik-tambalan.
Ilang beses nang naunsyami ito.
Ready si Sharon kaya hamon kay Gabo ang post ng dati niyang asawa, huh!
Nag-asawa na rin!
