Sa Batangas na nakatira si Piolo Pascual. Ilang buwan na rin siyang namamalagi doon.
Lumuluwas lang siya ng Manila kapag may trabaho.
Masaya siya sa buhay probinsya.
Ani nga niya sa vlog ng mag-asawang Hayden Kho at Vicki Belo, enjoy siya sa pagtatanim ng gulay at prutas, pati na rin sa pagaalaga ng mga ibon at manok.
Natutulog siya sa open space overlooking the beach. Walang kama, walang unan, walang kumot.
Nakahubad daw siya kapag natutulog.
Simple lang ang bahay ni Piolo sa Batangas na ipinapaayos pa niya. Siya mismo ang karpintero at designer. Nagpapala nga siya nang nadatnan nina Hayden at Vicki.
Ang kanyang daily routine, before sunrise ay gising na siya at nag-wo-walk around the area. Nagda-dive rin siya sa beach.
Tinanong siya ni Vicki kung kailan siya mag-aasawa.
Ani Piolo, married na siya sa kanyang trabaho.
Itinanggi!
Pinabulaanan ni Heaven Peralejo ang akusasyon na siya ang dahilan ng break-up nina Kiko Estrada at Devon Seron.
Aniya, magkatrabaho lang sila ni Kiko. Huwag daw siyang idamay sa isyu.
Nag-demand naman ng public apology ang mommy ni Heaven sa mga nagkakalat ng isyu. Kung hindi raw titigil ay mapipilitan siyang mag-demanda.
Gandang-ganda
Hindi naman siguro na-offend si Rodjun Cruz sa sinabi ni Janine Gutierrez na mas maganda ang bahay ni Rayver kaysa sa kanya.
Nakapunta na si Janine sa bagong bahay ni Rayver at gandang- ganda siya rito.
Si Janine na kaya ang maging “reyna” ng tahanan ni Rayver?