BY ROWENA AGILADA

Aminado si Bea Alonzo na mahilig siyang uminom.
Aniya, naging mas madalas daw ang kanyang pag-inom lalo na noong kasagsagan ng lockdown.
Pero hindi siya lasengga, huh!
Alam naman daw niya ang limit niya.
Hindi rin pihikan sa pagkain si Bea.
Pero ayaw na ayaw niya raw ang pagkain na may luya.
Lahat ito ay kinwento niya kay Ethel Booba para sa vlog nito.
Surrogate mom

Close friends ang dalawa.
Ani nga ni Bea, kung sakali hindi na niya kayang mag-buntis, gusto niya si Ethel ang maging surrogate.
Payag naman si Ethel. Pero pabiro nitong tanong kay Bea: “Magkano?”
Anyway ani Bea, gusto niyang magka-baby kapag 36 years old na siya.
She’s 33 now.
Paborito

Sa lahat daw ng mga naging leading men ni Bea, pinaka-gusto niya raw sa lahat ay si John Lloyd Cruz.
Hot daw para sa kanya si JL kahit wala itong abs.
Ang gusto niya raw dito ay ang galing sa pag-arte at pagiging matalino.
Sakaling ligawan daw siya nito, hindi na sila dadaan sa ligawan o sa boyfriend-girlfriend stage.
“Kasal agad. Joke,” ani Bea.
Ay, ayaw ni Dominic Roque ng ganyan!
Tanging gusto
