BY ROWENA AGILADA LUIS Manzano and Jessy Mendiola (FB) Wala pa ring confirmation o denial sina Luis Manzano at Jessy Mendiola tungkol sa napabalitang diumano’y kasal na sila. Nguni’t pansin naming may suot na singsing si Luis sa kaliwang daliri noong napanood namin siya sa “Your Face Sounds Familiar.” Wedding ring kaya ‘yun? Dati naman kasing walang suot na singsing si Luis. Para ngang asiwa pa siya sa singsing na panaka-naka’y inaayos niya. Must be true na kasal na nga sila ni Jessy. Inaabangan kung ipapalabas ito sa latest vlog ni Jessy. Nandaya! Hindi ikinahihiya ni Bea Alonzo aminin na mahirap lang sila noon. Dalawa silang magkapatid at mag-isa silang itinaguyod ng kanilang ina. BEA Alonzo (FB) Una niyang pinagkakitaan ang pagsali sa mga beauty contest. Aniya sa vlog ni Ethel Booba, sumali siya sa Miss Santolan, Pasig noong 13 years old siya. Dinaya raw niya ang kanyang edad. Malaking bulas siya kaya napapaniwala niya ang mga organizer na 16 na siya that time. Naging runner-up lang si Bea. Now, maganda na ang buhay niya. Financially stable na at may 16-hectare organic farm sa San Agustin, Zambales. Nabili ‘yun ni Bea noong 2011. Doon na nakatira ang mommy niya na siyang namamahala sa farm, katulong ang isang caretaker at ilang staff. Ipinagpagawa niya ng bahay ang kanyang mommy at doon na rin nakatira ang kapatid niyang lalaki na may asawa’t anak na. Anak ni Bayani Agbayani ang napangasawa nito. Bukod sa mga fruit-bearing trees, may mga alagang baka, tupa, baboy, itik at fishpond para sa mga tilapia doon si Bea. May taniman din ng palay.