Pinaiyak si Ivana Alawi ng isang 58-year old na tindero ng puto’t kutsinta!
Hindi dahil pinagkaitan siya nito ng paninda, huh!
Ito ay dahil binigyan siya ng tindero ng P20.
Ang siste, nag-disguise kasi itong si Ivana bilang pulubi at nanghingi siya ng pamasahe sa tindero.
Binigyan naman siya!
Nakiusap pa si Ivana kung puwede’y makitira na lang siya sa bahay nito pero tumanggi ito dahil magagalit daw ang amo niya.
Nag-offer ang tindero na ibibili niya ng coke o mineral water si Ivana.
Doon na umiyak si Ivana at nagpakilala sa matanda.
Binigyan niya ito ng P20,000 na ikinagulat nito.
Isa lang ang matanda sa mga natulungang street vendors ni Ivana sa paglibot niya sa iba’t ibang kalye sa Manila na kunwari’y nanghihingi siya ng pamasahe pabalik sa Baguio.
Para ito sa kanyang vlog.
May mga nagbigay man, meron din namang dumedma kay Ivana.
Anyway, natuwa si Ivana sa na-discover niya.
At ito ay ang sadyang pagiging matulungin ng ilang Pinoy kahit naghihirap na sa gitna ng pandemya.
Nag-celebrate
46th Birthday dapat ng yumaong matinee idol na si Rico Yan noong March 14.
Ipinagdiwang ito ni Claudine Barretto kasama ang sister ni Rico na si Tina Marie Yan.
Hanggang ngayo’y nananatiling close sila ni Claudine.
Sa bahay ni Claudine ginanap ang celebration kasama rin ang mga anak niya.
Ang daming food na padala ng kanyang fans and friends.
Death anniversary naman ni Rico on March 29 at tiyak may “ganap” na naman si Claudine.
Usaping buhok
Kung nagpatubo ng buhok si Derek Ramsay, nagpakalbo naman si John Lloyd Cruz.
Ano ‘yun, nagpalitan sila ng hairstyle o, nagkataon lang?