Namundok si Senator Bong Revilla kasama ang kanyang pamilya sa isang barangay sa Silang, Cavite.
Aniya sa kanyang announcement via Facebook Live, ito ay para maiwasan nila ang nakahahawa at nakamamatay na COVID-19.
Ani Sen. Bong, nagpunta sila sa lupain ng kanyang yumaong daddy, (Don Ramon Revilla) kung saan may taniman sila ng kape. Bahay-kubo ang tinuluyan nila na aniya, feel na feel nila ang buhay-probinsiya.
Doon nila ipinagdiwang ang birthday ng anak niyang si Vice-Governor Jolo Revilla with his wife and son Gab, siblings Brian, Luigi, Gianna, mommy mayor Lani Mercado at iba pang kaanak.
Nagkita muli
Nagkita muli sina Ivana Alawi at ang puto’t kutsinta vendor na si Joselito Martinez.
Matapos siyang bigyan ni Ivana ng P20,000, ipinamili naman siya ni Ivana ng house appliances.
Hindi pa rin makapaniwala ang matanda sa sobrang kabutihan sa kanya ni Ivana.
Hindi akalain ni Mang Joselito na ang kapalit ng ibinigay niyang P20 kay Ivana ay sobra-sobrang biyaya ang katumbas.
Puring-puri ng netizens si Ivana sa kanyang pagtulong sa mga hindi niya kilalang tao.
Ang dami na niyang natulungan na aniya, kaligayahan niyang mag-share ng blessings mula sa kinikita niya sa kanyang YouTube vlog.
Mabuhay ka, Ivana!
Friends lang ba?
Best of friends nga lang ba o may namamagitang “something” kina Arci Munoz at JM de Guzman?
Magkasama silang nagbakasyon sa Boracay with Arci’s family, kamakailan.