Nanggagalaiti ang mga aktor na sina Enchong Dee at Angel Locsin.
Si Enchong galit sa nangyayari sa ekonomiya.
Si Angel hindi gusto ang sinabi ni Presidente Duterte na “maliit na bagay” lang ang COVID-19.
Tweet ni Enchong: “No amount of lies can cover this today and in history…”
Sabay post ng isang graph kung saan makikitang kulelat tayo sa Asya pagdating sa ekonomiya.
Samantala, ani ni Angel sa tinuran ng presidente: “Maliit na bagay? Baka po sa inyo, Sir. Para sa amin po kasi malaki. Malaking utang. Malaking taas ng cases. Malaking human rights violations.”