Pumanaw na ang pioneering radio voice talent and veteran actress na si Laura Hermosa dahil sa renal failure noong nakaraang March 16.
Si Laura ay ina ng stand-up comedian and actress na si Tessie Tomas.
Kaka-recover lang daw ni Laura sa sakit na COVID-19.
Mabilis na umuwi si Tessie sa Pilipinas noong malaman na nasa malubhang kalagayan ang kanyang ina.
Sa Isle of Man sa United Kingdom nakatira si Tessie kasama ang husband na si Roger Pullin.
Bago raw makita ni Tessie ang kanyang ina, nag-quarantine ito ng 14 days dahil galing siya sa labas ng bansa.
Noong matapos ang quarantine ni Tessie, doon lang sila nag-reunite ng kanyang ina na ilang weeks din niyang nakasama bago ito namaalam.
“Sabi ko nun sa mama ko sa picture, ‘Ma, antayin mo ako, nagsasagwan na ako mula Isle of Man and true enough, inantay niya ako. Iyak ako ng iyak … Eto ‘yung desiderata moment na gather your strength of spirit to shield you from any sudden misfortune. And then I let go and let God.
“She was an excellent mother to all of us, five boys and one girl, ako. At age 10, around 1960, she made me her protégée, teaching me voice acting, kaya alam ko ang tawang mayaman, tawang mahirap at tawang hostess,” sey pa ni Tessie.
Noong 1950’s nagsimula ang career ni Laura sa radyo sa programang “Krisalis”. Lumabas din siya sa mga pelikulang “Broken Marriage,” “Nagbabagang Luha”, at sa TV sitcom na “Hapi House.”