Proud na pinasilip ng mag-asawang Juancho Triviño at Joyce Pring ang baby nursery ng kanilang paparating na sanggol.
“Actually, guest room lang namin ‘yun sa ngayon. Hindi pa namin alam kasi baka doon namin sa room namin patulugin at least for the first few months. May crib na kami. At saka ang advice sa amin actually medyo unti-untiin na namin ‘yung pagbili ng mga gamit. Para pagdating ng mga third trimester, pakumpleto na at hindi mabibigla. Relax na lang,” sey ni Juancho.
Parehong excited na ang mag-asawa sa kanilang baby na ilang weeks pa bago lumabas.
“By this time medyo nag-fade na ‘yung hindi pa kami makapaniwala. Mas excited na kami to finally see our child. Kasi siyempre ngayon parang nakikita na namin through ‘yung mga ultrasound. Nakikita na namin ‘yung features niya.”
Nawala na raw yung fear nila na delikado ang magbuntis sa panahon ng pandemya.
“Actually maraming pros and cons. Maraming nag-a-advice rin na nakakatakot ngayon magbuntis. Pero marami rin nagsasabi na mas better, good time na rin ngayon kasi lahat tayo nasa bahay lang.
“And siyempre mas careful na rin naman tayo ngayon ‘pag pumupunta sa hospitals, kasi we know more about ‘yung what can get us contaminated and what not. So, napag-isipan na rin namin ‘yun and na-point kami sa direction na sige puwede na namin i-explore.”