BY ROWENA AGILADA
Tamad sa mga gawaing-bahay, makalat sa mga gamit at tanga sa pag-ibig.

Ito ang sinabi ng mommy ni Bea Alonzo tugkol sa kanya sa isang vlog.
Ayon pa sa mommy ni Bea, malakas siyang maghilik, burara, magastos, maarte sa katawan at malihim, lalo na sa pag-ibig.
Nang tanungin ni Bea kung sino sa ex-boyfriends niya ang ayaw nito, sagot ng mommy ni Bea: “Obvious ba kung sino?”
“Alagaan mo ang puso mo anak. Hinay-hinay lang,” dagdag-payo pa niya sa anak.
Ang gusto lang niya sa magiging boyfriend ng anak ay ang maging totoo at hindi babaero.
Si Dominic Roque na kaya ‘yun?
Handang ipaglaban
Inamin ni Kristoffer Martin sa “The Boobay and Tekla Show” na “sila” na ni Liezl Lopez.
