Pinagtawanan lang ni Derek Ramsay ang tsikang diumano’y pinagpasahan na ng kanyang mga ex-girlfriends ang engagement ring na ibinigay niya kay Ellen Adarna.
Aniya sa interview sa kanila ni Ellen ni G3 San Diego, binili niya brand new ang singsing at fully paid na ‘yun.
Ayon pa kay Derek, dapat ang 7.8- carat diamond ring na ibinibigay ng kanyang mommy ang engagement ring niya para kay Ellen pero tinanggihan niya ito sa huli. Masyado raw malaki.
Kuwento pa ni Derek, nasuka siya noong first time siyang nag-“I love you” kay Ellen.
Two weeks pa lang sila magkakilala at hindi siya sanay.
Aminado rito si Ellen. Magkatabi raw sila ni Derek nakahiga sa kama at pagkatapos nitong mag- “I love you” sa kanya ay agad itong tumakbo papuntang banyo.
Pinagtawanan
Pinagtawanan din ni Derek ang intrigang pakakasalan niya si Ellen dahil sa pera nito.
Pinasalamatan nila ni Ellen si Ruffa Gutierrez na nagsilbing cupid ng kanilang mga puso.
Dapat din sigurong pasalamatan nila si John Estrada na nagpakilala sa kanila.
Abangan bukas ang iba pang kuwentong Derek at Ellen.