By MELL NAVARRO
Bago pa natapos ang taong 2020 nang pumirma ng management contract si Rosanna Roces sa Viva Artists Agency.
Kaya naman pagpasok ng 2021 ay ratsada na itong muli sa kanyang acting career.
After ma-release sa streaming platform ang “Anak Ng Macho Dancer” (last January), e tuluy-tuloy na ang mga projects na ginawa niya: “Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar”, “Kung Puwede Lang,” “Kaka,” at “Revirginized” starring Sharon Cuneta at Marco Gumabao.
“Dream come true na makasama ko si Mega sa isang project,” aniya.
Sa ibang film productions, last month nai-stream ang kanyang “General Admission” with Jasmine Curtis Smith at JC De Vera, directed by Jeffrey Hidalgo.
In the can na din ang “Kontrabida” kunsaan kasama niya si Ms. Nora Aunor.
Halos 12-13 years siyang nag-lie low sa mainstream movies. By choice aniya ang desisyong ito.
“Pero na-realize kong hindi ko pa pala gustong magpahinga sa pagiging artista,” pag-amin niya.
Paano siya napapayag na magpakontrata sa Viva?
“Sabi nila sa akin na kahit paano raw may hatak pa rin ako. Sabing nila, ‘Isa ka sa mga icon ng pelikula and we think we can help you more para maiangat ka pa.”
Anong project ang hindi pa niya nagagawa na pangarap niya?
“Naku, madami pa!”
May plano daw ang Viva na gawin niya ang remake ng classic films na “Pieta” kunsaan magiging anak niya si Diego Loyzaga; at “Insiang” (1976), the Hilda Koronel starrer directed by Lino Brocka.
“Pero this time, ang kaagaw ko sa lalaki, ‘yung bading na anak ko,” aniya.
Hiling nga ni Rosanna ay matapos na ang pandemya upang makagawa pa siya ng maraming pelikula.
“Nakaka-miss na ang buhay na normal. Konting tiis na lang,” pagtatapos ni Rosanna.