By MELL T. NAVARRO
Taong 2012 nang sumali ang komedyante at Viva artist na si Bob Jbeili sa ‘‘Mr. Pogi” sa “Eat Bulaga” where he was a grand finalist.
Nang maka-graduate na si Bob ng Communication and Media Studies noong 2014, napisil siya ni Boss Vic del Rosario na papirmahin bilang Viva artist.
From 2017, nakasama na si Bob sa limang pelikula: “The Write Moment,” “Ang Pambansang Third Wheel,” “Para Sa Broken Hearted,” “’Tol,” at “Lucid.”
Currently, mapapanood si Bob sa “Kung Pwede Lang” — isang wacky “rantserye” ni Direk Darryl Yap, being streamed sa Vivamax.
Kasama niya dito sina Dennis Padilla, Rosanna Roces, Dexter Doria, Loren Mariñas, at Carlyn Ocampo.
Isa rin itong family mini-comedy series kunsaan ang role niya ang batugang panganay nina Dennis at Osang.
Para kay Bob, breakthrough role daw niya itong sa “KPL” – dahil dito lang siya malayang nakakapagmura, dahil sa mga realistic dialogues sa script ni Direk Darryl.
“First time ko itong magmura on-cam. Kaya nagugulat ang mga friends ko. Masarap rin palang magmura ka nang legal. Hahaha!
“Bukod sa malaya akong nakakapagmura, masyadong intense ang emosyon na nilalabas ko dito kaya medyo challenging siya for me and masaya gawin.”
Lebanese ang lahi ng kanyang ama na pumanaw noong 2012 – bago pa man siya nag-“Mr. Pogi,” sanhi ng heart attack.
Hindi ba niya babaguhin ang screen name niya, kahit mahirap itong tandaan ng publiko?
“When my dad passed away, naisip ko i-retain ‘yung surname ko para that way, his legacy lives on with me.”