Tempo
  • News
  • Opinion
  • Entertainment
  • Sports
No Result
View All Result
  • News
  • Opinion
  • Entertainment
  • Sports
No Result
View All Result
Tempo
No Result
View All Result
Home Entertainment

Mga tanyag na bituin sa ‘MMK’ ngayong Hunyo

Tempo Desk by Tempo Desk
May 31, 2021
in Entertainment
0
Mga tanyag na bituin sa ‘MMK’ ngayong Hunyo

Bibida sina Maris Racal, Cris Villanueva, Pepe Herrera, Kim Molina, Awra Briguela, at Jaya sa longest-running drama anthology na “MMK” sa mga bago at di malilimutang mga kwento ng pagmamahal at pagiging magulang ngayong Hunyo. 

Gaganap sina Kim Molina at Pepe Herrera bilang magkasintahang ipapakita na hindi batayan ang estado sa buhay sa pagpili kung sino ang mamahalin ngayong Hunyo 5. Alamin kung paano nabuo ang love story ng inhinyero na si Rose (Kim) at kanyang kasintahang tricycle driver na si JR (Pepe) at kung ano-anong pagsubok ang pinagdaanan ng kanilang relasyon.  

Samantala, isang two-part father’s day special ang kabibilangan naman nina Maris Racal at Cris Villanueva sa darating na Hunyo 12 at 19. Sa loob ng maraming taon, walang ibang hinangad si Jai (Maris) kung hindi makita ang tatay na si Jericho (Cris). Kahit pa mahal naman siya ng kanyang ina at stepdad, tingin ng dalaga may kulang sa kanyang pagkatao. Kaya naman nang maging isang delivery service crew siya, sinabay niya ang paghahanap sa kanyang tatay habang nagtratrabaho.    

Bukod sa dalawang kwento, muling mababalikan din ng viewers ang kwento nina Jaya at Awra. Sariwain ang pagsasadula ng buhay ni Timi (Awra) na nagkaroon ng viral video matapos niya iwkento ang sitwasyon ng kanyang lesbian na inang si Cata (Jaya).

Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Tags: abs-cbnawraKim MolinaMaris Racalmmk
Previous Post

Suns tie series with Lakers 2-2; Davis suffers another injury

Next Post

Joaquin Domagoso, Andi Abaya in Perry Escaño’s ‘Caught In The Act’

Next Post
Joaquin Domagoso, Andi Abaya in Perry Escaño’s ‘Caught In The Act’

Joaquin Domagoso, Andi Abaya in Perry Escaño’s ‘Caught In The Act’

ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
  • News
  • Opinion
  • Entertainment
  • Sports

© 2025 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • News
  • Opinion
  • Entertainment
  • Sports

© 2025 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.