FIRST TIMER
By JUN NARDO
Determinasyon at sipag ng asawang si Dave Almarinez ang dahilan kung bakit minahal siya ni Ara Mina.
Ayon nga kay Ara, biktima ng bullying si Dave noong kabataan niya.
“Hindi naging madali ang tagumpay niya sa buhay. Mahirap lang ang kanyang mga
magulang kaya nagsumikap siya.
“Nagtinda siya ng ice candy at mani noong bata pa siya. ‘Yung father niya e nasa Dubai at nagtrabaho bilang janitor,” pahayag pa ni Ara sa isang interview.
E nakakuha ng full scholarship si Dave sa Far Eastern University at nagtapos sa kursong Political Science.
Sa Singapore siya nagbanat nang buto ng husto. Naging negosyante at sa ngayon,
Undersecretary na siya sa Philippine International Trading Corporation.
“Nakaka-inspire ang buhay ng Bebe ko kaya naman na-in love ako,” bulalas pa ni Mrs. Almarinez.
Libre!
Kilig-saya at libreng LRT-1 ticket pass ang hatid ng TNT sa July 19, Lunes.
Mamamahagi ng ticket pass mula Baclaran station hanggang Balintawak ang TNT, ang
pinakamalaking prepaid brand sa bansa.
Alas-otso nang umaga ang simula kung saan libre ang unang limang daang pasahero per station ang kanilang sakay sa LRT-1.
Binansagang Kilig Saya Express ang LRT 1 na makulay na binihisan para ilunsad ang bagong kampaya ng TNT kasama ang mga sikat na TNT ambassadors na sina Sue Ramirez, Sarah Geronimo, kasama ang Thai idols na sina Nonkul Chanon, Gulf Kanawut at Mario Maurer.
Ang tinaguriang train event of the year ay hatid ng bagong TNT promo, ang Double GIGA Video.
Ang magpo-post naman ng mga libreng ticket na may hastag #TNTKiligSaya sa Face
Book, Twitter at Instagram ay makakatanggap ng additional na 0% sa Double GIGA Video 99.
Naku, sakay na kayo sa Train Event of the Year ng TNT!