By MELL NAVARRO
Patuloy ang pag-arangkada ng Vivamax ng Viva Films, dahil sa loob lamang ng siyam
na buwan mula noong mag-umpisa ito, ay naka-one million subscribers na ito, making it the Philippines’ fastest-growing streaming platform.
Going global na rin ang reach ng Vivamax at mapapanood na ng ating mga kababayan
ang mga pelikulang sariling atin sa maraming bansa.
Literal na linggu-linggo rin ay may bago silang ipinapalabas na pelikula. Dahil dito,
maraming tao sa harap at likod ng kamera ang nabibigyan ng trabaho.
Currently streaming ang “Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso,” at “Sarap Mong
Patayin” ni Direk Darryl Yap, “Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan” ni Direk Al Tantay, at
ang pinag-uusapang hit na “House Tour” ni Direk Roman Perez Jr.
Ngayong Oct. 29, palabas ang horror-comedy na “Sa Haba Ng Gabi” nina Kim Molina,
Jerald Napoles, at Candy Pangilinan, directed by Miko Livelo.
On Nov. 5, isa pa ring comedy ang ipapalabas, ang “Barumbadings” kunsaan gaganap
bilang mga astig na mga bading sina Joel Torre, Mark Anthony Fernandez, Jeric Raval,
Baron Geisler, sa direksiyon pa rin ni Darryl Yap.
On Nov. 12 naman ang “Mahjong Nights,” isang sexy thriller na tampok ang VMX Crush na si Angeli Khang, Sean De Guzman, Jay Manalo, Mickey Ferriols, atbp, directed by Lawrence Fajardo.
Magpapaibig at magpapaluha naman sina Yassi Pressman at JC Santos sa “More Than
Blue” on Nov. 19.
Balik-comedy uli sa Nov. 19 with “Beksinated” kunsaan bidang-bida ang Beks Battalion
composed of Chad Kinis, MC Muah, at Lassy Marquez, directed by Ryan Evangelista.
Come Nov. 26 ay magpapainit naman ang Vivamax with “My Husband, My Lover” na
may 12 love scenes with Viva’s two beauty queens Kylie Verzosa at Cindy Miranda, at
ang mga hot hunks na sina Marco Gumabao at Adrian Alandy.