MANILA – Kahit nasa gitna ng pandemya, itinuloy ng dating car sales agents ng Ayala-led AC industrials na sina Mike Carlos at William Coloma ang matagal na nilang pangarap na makapagtayo ng sariling negosyo.
“Nakita naming maraming gulay ang nasisira. Kapag hindi na kayang kunin ng mga middlemen, natatambak nalang doon at nabubulok. Sayang, dahil marami dito sa Metro Manila ang nagugutom o hindi nakakatikim ng sariwa at masustansiyang pagkain,” ani Carlos.
Sa mga magsasaka direktangbumibili ng gulay sina Carlos at Coloma. Dahil dito, hindi na nila kailangang umasa pa sa middleman at maaari nilang bilhin ang mga produkto sa patas na presyo.
“Kinukuha namin ‘yong gulay nila sa tamang presyo, at pinapasa ko sa mga consumers sa presyong tama rin. Para at least, parehong nabibigyan natin ng value ang farmers and consumers,” saad ni Carlos.
“Ang pangarap namin ni Mike ay maibalik ‘yong dignidad ng farmers. Gusto naming kunin ‘yong mga gulay sa tamang presyo—’yong sapat para mapag-aral ang mga anak, mabigyan ng desenteng tahanan ang pamilya, at ma-secure ang kinabukasan nila,” dagdag pa ni Coloma.
#BrigadangAyalaKaakay
Sina Carlos at Coloma ang kasalukuyang nagbabagsak ng mga sariwang gulay para sa #BrigadangAyalaKaakay. Layunin ng programang ito na matulungan ang 10,000 na pamilya o 500,000 katao sa Metro Manila. Ayon sa National Economic and Development Authority (website post noong Nov 4, 2021), ang Metro Manila ay isa sa mga rehiyon na pinaka-apektado ng pandemya dahil sa extended lockdowns kung saan maraming negosyo ang nagsaraat milyon-milyon ang nawalan ng trabaho.
Ang bawat benepisaryo ng #BrigadangAyalaKaakay ay makakatanggap ng bigas, sariwang gulay, mga de lata, at tinapay na sapat para sa pamilyang may limang miyembro kada linggo. Ito ay tatakbo nang 12 linggo, simula Nobyembre 2021 hanggang Pebrero 2022.
Ibinahagi ni Carlos na natutuwa siya sa mga reaksyon ng mga benepisaryo tuwing naghahatid siya ng mga ayudang pagkain sa mga distribution sites. Kaya naman bukas-loob din itong nag-aabot ng libreng bag ng gulay para mas maraming benepisaryo ang matutulungan ng mga Kaakay.
“Malaki ang pasasalamat namin sa training namin sa Ayala. Lahat ng values na natutuhan namin, na-a-apply namin ngayon sa sarili naming negosyo. ‘Yon bang kapag kumita ka, you also give back sa employees, sa customers, at sa community,” dagdag ni Coloma.
Nitong Martes, pinangunahan ni Fernando Zobel de Ayala, presidente at CEO ng Ayala Corporation, ang pamamahagi ng ayuda sa Sto. Rosario de Pasig Parish Church sa Pasig City kasama si Rene Almendras, senior managing director at head ng public affairs ng kompanya. “I am delighted to hear the stories of former Ayala colleagues Mike Carlos and William Coloma, and how they are helping farmers who have been struggling to sell their produce at a fair market price,” ani Zobel.
[Natutuwa akong marinig ang kwento ng mgadating Ayala employees na sina Mike Carlos at William Coloma at kung paano nila ipinakita ang pagmamalasakit sa mga magsasaka na nahihirapan na ibenta ang kanilang mga inaning gulay sa patas na presyo.]
“We are happy to be able to help in our own way particularly those who lost their jobs during the pandemic. We thank our partners, suppliers, and beneficiaries for making Kaakay possible,”dagdag pa niya.
[Ikinalulugod namin ang makatulong sa ating mga kababayan, lalo na sa mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Lubos ang aming pasasalamat sa mga partners, suppliers, at beneficiaries—na silang mga rason kung bakit naging possible ang Kaakay.]