Sa loob ng 15 na taon, araw-araw na naglalako si Nerissa Punzalan ng kakanin, palabok, at banana cue sa iba’t ibang bahagi ng Makati. Kakaunti man ang kaniyang kinikita, taas-noo pa rin siya sa paglalako upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
“Eto pong pagtitinda ko ang talagang bumuhay sa amin ngayong pandemic,” ani Punzalan. “Masaya po ako na nakapag-provide ako para sa pamilya ko. Kahit papano, naitawid namin.”
Noong wala pang pandemya, isa lamang raket para kay Punzalan ang paglalako ng merienda. Ngunit nang ipatupad ang nationwide lockdown noong 2020, nagsara ang contruction site na pinapasukan ng mister ni Punzalan.
“Bilang asawa, hindi naman po ako puwedeng magreklamo na nawalan ng trabaho ang mister ko. Kaya nga kami magkatuwang sa buhay, ‘di ba? So noong wala siyang hanapbuhay, ako ang dumiskarte para sa pamilya,” pahayag ni Punzalan.
Isa sa mga regular customer ni Punzalan ay ang 61 taong gulang na si Lydia Abalos, may limang anak at may asawa na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown. Upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya, pagtitinda naman ng lutong ulam ang naging raket ni Abalos.
“Diskarte po talaga ang importante para makaraos tayo,” ani Abalos. “Kung ano ‘yong skills mo–parang ako, marunong akong magluto–iyon ang gamitin mo para makatulong sa pamilya mo. Samahan mo na rin ng tiwala sa Diyos. Araw-araw akong nagro-rosary.”
#BrigadangAyalaKaakay
Noong Lunes, pinangunahan ni AC Health President & CEO Paolo Borromeo ang #BrigadangAyalaKaakay food distribution program na isinagawa sa Our Lady of La Paz Parish in Flordeliz, Makati. Kasama ni Borromeo sina Generika President & CEO Yet Abarca at QualiMed Health Network President & CEO Jimmy Ysmael.
Ang #BrigadangAyalaKaakay ay isang 12-week food distribution program na naglalayong matulungan ang mahigit 10,000 na pamilya. Sa ilalim ng programang ito ay makakatanggap ang bawat pamilya ng isang linggong supply na bigas, gulay, delata, at tinapay.
“AC Health is delighted to support #BrigadangAyalaKaakay, which targets those who lost their jobs and sources of income during the pandemic. We are inspired by the stories of resilience we heard from our beneficiaries today. We are very happy that we were able to augment their needs through this program,” pahayag ni Borromeo.
Isa si Punzalan sa mga benepisaryo ng Kaakay. Aniya, malaking tulong ang ibinibigay na food supply ng programa, lalo’t kasalukuyan pa ring naghahanap ng trabaho ay kaniyang asawa. “Ngayon kasi, nagbubukas na uli ‘yong mga construction site. Sobrang laking pasasalamat namin sa Kaakay dahil hindi kami nagutom noong mga panahong walang trabaho ang asawa ko,” ani Punzalan.
“Masaya po talaga kami dahil parang nabigyan kami ng fresh start,” dagdag pa niya.
Pinasalamatan naman ni Abalos, isang senior citizen at isa rin sa mga Kaakay beneficiary, ang AC Health at Generika drugstore dahil sa abot-kaya at mabisa nitong gamot, vitamins, at food supplements.
“Hindi naman kailangang mahal ang gamot. Ang importante, “abot-kaya at mabisa,” ani Abalos. “Dahil sa sariwang gulay mula sa Kaakay at sa vitamins ng Generika, malusog kami sa pamilya. At siyempre, nandiyan palagi iyong dasal, kaya walang nagkakasakit.”
“Sabi ko nga, ‘di ba? Rosary at Vitamin C,” pagtatapos ni Abalos.