By DELIA CUARESMA
Cindy Miranda, AJ Raval, Jamilla Obispo, Ayanna Misola at Angela Morena.
Sila ang mga tinaguriang “Bagong Pantasya Ng Bayan.”
Tunay nga namang kahali-halina ang mga diyosang ito.
Mapanukso. Mapangakit. Mainit.
Pero, paano nga ba mapansin ang isang hamak na fan ng mga diyosang ito?
Well, kinausap namin sila isa-isa kamakailan at ito mismo ang tinanong namin sa kanila.
Ayon kay Cindy, attracted siya sa mga lalaking “confident.”
“Pero hindi confident dahil nagpapapansin lang,” aniya. “Anggusto ko ‘yung may dating ka kasi alam mong may patutungahan ka.”
Dagdag pa niya, “Ayoko sa lahat ‘yung puro porma pero wala, everyday nakatambay. Gusto ko ‘yung may ambisyon, may direksyon at doon niya hinuhugot ang kanyang confidence.”
Ayon naman kay AJ, ayaw niya sa lalaki na papansin.
“Mas gusto ko ‘yung tahimik. ‘Yung tipong nasa isang tabi lang. Kapag ganun naiintriga ako. Ako ang lumalapit,” share pa niya.
Si Jamilla, ang gusto ay lalaking may “lalim.”
“Yung tipong kapag kinausap ka, mapapaisip ka,” sambit niya. “Hindi naman ibig sabihin nerd na tipong bookish. Gusto ko lang ‘yung may konting lalim ‘pag kausap.”
Gaya ni AJ, ayaw ni Ayanna sa lalaki na papansin.
“Kung gusto mo ako, let it happen naturally,” diin niya. “Huwag ‘yung OA na ginagawa mo lahat para magpapansin lang. Ang pangit tignan. Turn off, e.”
Samantala, si Angela, gusto ang lalaking may sense of humor.
“Mapatawa mo lang ako, okay na ako,” lahad niya. “Gusto ko kasi good vibes lang e. ‘Yung masayahin kausap.”
O, alam mo na?
Anyway, mapapanood mong muli sina Cindy, AJ, Jamilla, Ayanna at Angela simula ngayong araw na ito, April 10, sa “Iskandalo,” ang pinakabagong serye sa Vivamax.
‘Yun na!