By JUN NARDO
Hindi na nga nakapagpigil ang aktres na si Charlie Dizon. Umamin na rin ito sa wakas na indeed, boyfriend na nga niya ang binatang ama na si Carlo Aquino.
Nangyari ang kumpirmasyon sa isang morning show sa TV5 kung saan isa siya sa mga guests.
Well, matagal nang nati-tsismis ang dalawa na parehong tikim ang bibig about it for so long, huh!
Although wala namang pag-deny si Carlo, wala rin naman siyang inaamin. Sey niya lang dati sa amin e, “What you see is what you get.”
Si Charlie, aminado!
Anyway, matagal na rin naman hiwalay si Carlo sa ina ng anak niya, ang modelong si Trina Candaza so he’s free!
Ayon kay Charlie, nagsimula ang closeness nila ni Carlo nang magsama sila sa isang movie. ‘Yun na!
Blown away!
Patok ang Broadway musical na “Here Lies Love” sa sikat na Hollywood star na si Whoopi Goldberg.
Isa sa producers ng show si Jo Koy at sa kanyang guest appearance sa “The View” sa NBC, napagusapan nila ni Whoopi ang tungkol dito.
Apparently, nakapanood ng preview ng show si Whoopi at hanga siya dito.
“Not only was I blown away by what they did with the theater but I forgot a lot of history and it’s extraordinary,” saad ni Whoopi.
Isang immersive disco musical ang “Here Lies Love” na tungkol kay First Lady Imelda Marcos at ang People Power revolution.
Ayon kay Jo Koy, “magandang bahagi” ng history ang revolution dahil peaceful ito.
“They did it very nicely,” Sey ni Jo Koy.
Sabi pa ni Whoopi na ang “Here Lies Love” ay mahalagang paalala sa evolution ng pamilya Marcos.
Aniya, “The evolution of that family evolving into something terrific.”
Co-producer din ng show ang star nito na si Lea Salonga.