By DELIA CUARESMA
Naaalarma na ang maraming tao, lalo na ang mga fans at mga taong malapit sa mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion kaugnay sa diumano’y sigalot nila na sa ngayon ay pinagpipiyestahan sa social media.
E, ayon sa aming source, nahihirapan na raw si Sharon sa nangyayari lalo na nga’t sangkot sa isyu ang asawang si Kiko at anak na si Frankie Pangilinan na patuloy ang pananahimik sa kabila ng sitwasyon nilang mag-ina.
Nabigyan ni Sharon ng magandang edukasyon si KC na nag-aral sa ibang bansa. May sarili na rin itong career at buhay.
Pero hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya sa panganay na anak kahit na nga independent na ito sa kanya. At kung may kailangan si KC e, ibibinigay ni Shawie ito.
E, nataon pa na sa nalalapit na reunion concert ni Sharon at ama ni KC na si Gabby Concepcion ang sigalot kaya inaakala ng mga tao na gimik ito para umingay ang concert.
Subalit ang tulad ni Sharon ay hindi ginagamit ang personal na buhay para sa pansariling interes.
Nais lang niyang ipadama ang tunay na damdamin niya ngayon na maayos na ang samahan nila ni Gabby.
Sa bandang huli, ang pagiging ina pa rin ni Sharon ang iiral sa sitwasyong ito.
First and foremost, mother si Shawie at ang pagmamahal sa pamilya ang kanyang isinaaalang-alang.
Handa siyang mawala ang kinang niya bilang Megastar ng local showbiz huwag lang masira ang buong pamilya!
Pagmamahal sa mga anak ang mananatili sa puso’t isipan ng isang Sharon Cuneta!