By JUN NARDO
Ayaw pang umamin ng diretsahan nina Cassy Legaspi at Darren Espanto hinggil sa totoong namamagitan sa kanila. Ang hirit nila e, “special friends” sila!
Naku e, saan pa ba hahantong yan diba naman?
Kilig-kiligan nga ang mga fans na magkasamang pumunta sa Japan sina Cassy at Darren early this year.
Of course, kapwa sila may mga chaperone – ang kani-kanilang mga ina!
Anyway, ngayong magkasama sa MMFF movie na “When I Met You In Tokyo” sina Cassy at Darren,
nagbubunyi ang kanilang mga fan dahil nga after nine years e ngsama sa unang pagkakataon ang mga idolo nila sa isang pelikula!
Payo ng lead star ng pelikula na si Vilma Santos-Recto kina Cassy at Darren, magseryoso muna sa
trabaho saka na ang love life!
Aniya “Kapag sineryoso ninyo ‘yang trabaho ninyo mas maganda kasi ang ganda ng chemistry ninyong dalawa e. You just have to hone it, you know, the acting, mag-buo pa ng maraming experiences…”
Unahin ng panoorin sa December 25 ang “When I Met You In Tokyo” at ramdamin ang kilig na hatid nina Cassy at Darren sa screen!
Mahilig kumandong!
Mula pa noong dalagita itong si aktres, mahilig na itong kumandong sa nga male actors!
Mabuti na lang hindi ito binibigyang malisya ng mga male actors, huh! Kahit pa nga nabubunggo-bunggo na ang kanilang tinatagong sandata!
Tuluyan na ngang lumabas ang kalandian ng aktres nang lumagpas na ito sa pagkadalagita.
E hindi naman yata kayang pagsabihan ng mga magulang niya dahil siya ang kumikita sa pamilya!
Ngayon nga e wild and free ang peg ng aktres! Pinababayaan na nga lang siyang gawin kung ano man ang gusto niya relating her love life.
Kaya naman sa mga nakakakilala sa actress e iniintindi na lang ang kanyang mga gawi, dahil nga hindi naman siya mapigilan!