By MELL T. NAVARRO
Nais naming bigyan ng papugay ang namayapang aktres na si Jaclyn Jose, isang dekalibreng aktres na una naming napansin at hinangaan noon dekada 80.
Bago pa man ipalabas ang kanyang mga pelikulang “Kamada” (1996), “Mulanay” (1997), “Sarongbanggi” (2005, first year of Cinemalaya), “Serbis” (2009), at “Ma’Rosa” (2016, kunsaan siya ang unang Pinay na nagwaging Best Actress sa prestihiyosong #CannesFilmFestival), nagpamalas na ng husay si Jaclyn sa mga pelikulang “Private Show” (1984) — written by Ricky Lee, directed by Chito S. Rono; “White Slavery” (1985) – written by Ricky Lee, directed by Lino Brocka; “Takaw Tukso” (1986) – written by Armando Lao, directed by William Pascual; “Flesh Avenue” (1986) – written by Ricky Lee, directed by Tata Esteban; “Olongapo, The Great American Dream” (1987) – written by Ricky Lee, Frank Vrechek, Alan Cummings, directed by Chito Roño; “Macho Dancer” (1988) – written by Ricky Lee and Amado Lacuesta, directed by Lino Brocka; and “Itanong Mo Sa Buwan” (1988) – written by Armando Lao, directed by Chito Roño.
Puro bigating mga screenwriters and directors — National Artist pa nga si Lee — ang nakatrabaho ni Jaclyn, na ilang taon ring naging artist ni Ed Instrella (who gave her these awesome films).
Bagama’t dark at sexy ang themes ng karamihan sa mga pelikulang ito, tunay na nagmarka ang mga natatanging pangganap ni Jaclyn sa aming kamalayan bilang isang manonood.
Naging ehemplo nga si Jaclyn ng artistang “nakatawid” mula sa pagpapa-seksi hanggang sa maging isang respetado at award-winning actress.
Her 14 wins (as best actress, best supporting actress, etc) and 38 nominations in various local and international award giving bodies will speak of her amazing body of work.
At hindi matatawaran ang apat na dekada niyang karera!
Nagluluksa ang buong movie industry sa iyong pagpanaw, Jane.
Isa kang henyo sa larangan ng aktingan. Isang icon ng Pelikulang Pilipino.
Paalam at maraming salamat sa lahat ng iyong mga naging kontribusyon sa larangan ng pelikula.
Taos pusong pakikiramay po sa pamilya.