By MELL T. NAVARRO
Marami ang gustong tumulad kay Kuh Ledesma.
Ito’y sa haba ng career niya as singer na tumagal na nga ng ilang dekada.
Ano nga ba ang sikreto ng kanyang longevity?
Ani Kuh, “Love for God lang talaga. Inner peace. Naisuko ko na ang buhay ko sa ating Panginoon for many years now.”
Indeed, bukod sa music, very passionate si Kuh sa kanyang belief.
Pagbabahagi pa niya, “I read the Word of God every day and pray. Para sa akin, kapag nagdasal tayo, nagiging mas madali ang buhay natin. Connected kasi si God sa atin, e. When you run away far from God, you are on your own. Wala tayong lakas. My strength is the inner peace of the Lord.”
Ngayong week ay ipagdiriwang ni Kuh ang kanyang kaarawan via a concert titled “3:16” na numeric equivalent ng kanyang birthday.
Ito’y gaganapin sa March 16, Sabado nang gabi, sa Music Museum, Greenhills, San Juan.
With the theme “a celebration that hopes to entertain and inspire,” hindi lang kantahan ito.
Ayon kay Kuh, may mga panauhin siyang magshi-share ng kanilang testimonies kung paano binago ng Diyos ang kanilang buhay.
“Very short stories lang from different people I’ve known. Maricris Bermont will share a testimony, for one. Napaka-powerful ng testimony niya.”
Up-and-coming singer Nathan Randal will join Kuh in the concert as with veteran actor Tirso Cruz III, award-winning actress and director Gina Alajar, and Kuh’s daughter Isabella.
Most of the proceeds ng “3:16 Concert” ay mapupunta sa The Holy Bible Giver Foundation, Inc. — isang non-profit, non-government organization that Kuh herself founded.