By JUN NARDO
Inaawitan pa lang daw at hindi pa sigurado ang usap na papasukin na ni Luis Manzano ang pulitika sa Batangas.
Of course, alama naman ng lahat ang pagmamahal ng mga Batangueño sa nanay ni Luis na si Vilma Santos-Recto.
Ilang taon rin namuno sa Lipa ang award-winning actress hanggang sa maging Batangas Governor.
Pero bakit may pag-alinalangan pa sa part ni Luis?
Ayon sa kausap namin may isang kondisyon itong hinihingi. Ito ay ang pagpayag ng isang taong malapit sa puso niya.
Mapapayag kaya? Well, antay antay na lang tayo!
Ayaw pa!
Tatapusin muna ng beauty queen-volleyball player na si Michele Gumabao ang mga commitment niya sa PH volleyball bago siya tuluyang pumasok sa showbiz.
Isa si Michele sa topnotch players ng team Creamline. Bakasyon sa Europe ang narinig naming blowout ng management para sa team.
Kahit na nga mula sa showbiz clan ng magagaling umarte si Michele, hosting ang gusto niyang pasukin.
Planong i-guest si Michele sa isang variety show para makita ang interaction niya sa mga host.
Umarangkada na!
Magandang balita dear Tempo readers! Umaarangkada na po sa telebisyon ang talk show namin na “Marites University” sa ALLTV! Tutok na po kayo mga ka-Marites every Saturday at 10 pm!