By MELL T. NAVARRO
Sa ikalawang taon since last year, nagbabalik ang The Manila Film Festival (TMFF) 2024 ng City of Manila headed by Manila Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor (and former actor) Yul Servo.
This year, nalipat na ang organization nito sa KreativDen Entertainment ni Kate Valenzuela.
Sa pakikipagtulungan sa Department of Tourism, Culture and Arts (DOTCA) of Manila, tampok ang walong short films sa MFF 2024 na gawa ng mga estudyante.
Binigyan ang bawat isa sa mga finalists ng 150,000 pesos na film grant upang gawin ang kanilang entries.
Nag-undergo din ang 8 finalists ng workshops sa iba’t ibang sangay ng filmmaking.
Ang walong short films ay: “An Kuan” by Joyce Ramos (Pamantasan Ng Lungsod Ng Maynila), “Bahay, Baboy, Bagyo” by Miko Biong (UP Film Institute), “Ballad Of A Blind Man” by Charlie Garcia Vitug (De La Salle-College of Saint Benilde), “Ditas Pinamalas” by Adrian Renz Espino (Adamson University), “Happy (M)others Day” by Ronnie Ramos (UP Film Institute), “Pinilakang Tabingi” by John Pistol Carmen (Bicol University), “Una’t Huling Sakay” by Vhan Marco Molacruz (Letran), “threefor100: o ang tamang porma ng pag uukay at iba pang mga bagay-bagay, i think!” by Cedrick Labadia (iAcademy).
Ang screening committee ay binubuo ng mga established personalities from arts, culture, and entertainment: Bianca Balbuena (producer), Noah Tonga (film editor), Wanggo Gallaga (screenwriter), Mackie Galvez (cinematographer), Dido Camara (COO ng KreativDen Entertainment), at Charlie Dungo ng DOTCA of Manila.
Bukod sa walong student filmmakers, tampok rin (in exhibition) ang bagong short films ng apat na award-winning filmmakers:
Dwein Baltazar (“Nananahan” produced by Iana Bernardez), Pepe Diokno (“Lumang Tugtugin” produced by Madonna Tarrayo), Sigrid Bernardo (“May At Nila” produced by Ava Yap), at JP Habac (“Shortest Day, Longest Night” produced by Maria Kristina Cruz).
Premiere Night ng festival sa June 4 sa makasaysayang Metropolitan Theater at ang festival proper runs from June 5 to 11 sa Robinsons Place Ermita (Manila) at Robinsons Magnolia (Quezon City).
Ang TMFF Festival Director and Consultant ay ang beteranong si Ed Cabagnot, na noong 1982 pa lang ay isa na sa moving forces ng Experimental Cinema of the Philippines, naging parte ng Cinemalaya, etc.
Bongga rin ang TMFF jury sa Awards Night: Park Sungho (Asian Cinema programmer ng Busan International Film Festival), Bianca Balbuena (Head of Studios ng ANIMA na nag-produce ng apat na short films in exhibition), Neil Daza (cinematographer), Monster Jimenez (producer), at Dodo Dayao (screenwriter and director).
Ang tema ng festival ay “Manila in Me” na ipinagdiriwang ang ideya ng Manila bilang “City of Infinite Possibilities and a Thousand Tales” at ang siyudad ay pinapangarap at hinahangad ng mga Pilipino saan man sa mundo.
Hangad ng festival na ibalik ang commitment ng iconic capital city ng Pilipinas na maging “creative hub” para sa ating sining at kultura, partikular na ang pelikula.
Congratulations and good luck to the 8 student filmmakers! Wish rin naming maging annual event na ito.